Rep. Leandro Leviste, naghain ng cyberlibel case vs. Usec. Claire Castro

Naghain ng cyberlibel complaint si Batangas First District Rep. Leandro Leviste laban kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro.

Ito ay dahil sa umano’y “libelous statements” ng press officer ng palasyo sa kanyang vlogs tungkol sa tunay na kalagayan ng solar energy firm ni Leviste.

Isasampa umano ni Leviste ang reklamo sa Balayan Regional Trial Court, na sakop ng kanyang hurisdiksyon bilang kongresista ng unang distrito ng Batangas.

Matatandaang mariing itinanggi ni Leviste ang alegasyon na binenta niya ang solar energy franchise ng Solar Philippines.

Binigyan ng congressional franchise ang kumpanya ni Leviste upang magtayo, mag-install, at magpatakbo ng solar-powered microgrids sa mga liblib na lugar.

Pero ayon sa Department of Energy o DOE, pinatawan ng P24 billion na penalty ang Solar Philippines matapos mabigong tuparin nito ang mga kinontratang solar projects sa gobyerno.

Dagdag ng DOE, hindi nakapag-produce ng mahigit 11,000 megawatts na enerhiya ang Solar Philippines na nakapaloob sa 30 service contracts. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *