Binatikos ni Kabataan Party-list Rep. Renee Co ang naging pahayag ni Senator Robin Padilla tungkol sa kahinaan umano ng kabataan ngayon.
Sa pagdinig ng Senado sa panukalang Children’s Safety in Social Media Act, tinawag na “weak” ni Padilla ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon.
Tinawag ni Padilla na iyakin ang kabataan ngayon.
Ni hindi nga daw alam ni Padilla ang ibig sabihin ng salitang depression.
Ayon kay Co, hindi nakakagulat na nade-depress ang ilang Kabataan ngayon, gayong araw-araw na krisis ang kanilang nararanasan—mula sa edukasyon hanggang sa korapsyon.
Naging mainit ang usapin sa gitna ng imbestigasyon kaugnay sa pagkasawi ng isang estudyante na nasawi matapos malaglag mula sa LRT-1 sa Fernando Poe Jr. Station sa Quezon City.
Samantala, nananatiling bukas ang mga hotline ng National Center for Mental Health para sa mga nangangailangan ng tulong ng mga eksperto.
