Inihayag ni Manila 3rd District Rep. Atty. Joel Chua na ang apat na impeachment complaints na inihain laban sa Vice President ay mangangailangan ng masusing pagsusuri at masinsinang pagtalakay.
Ayon kay Chua, logical at makatwiran na asahan ang mas maraming trabaho dahil sa dami ng mga reklamo, at mas magiging masalimuot ang mga deliberasyon dahil sa paraang ginamit sa paghahain ng mga ito.
Ipinaalala niya sa publiko na ang impeachment proceedings sa House of Representatives ay hindi pa ang mismong paglilitis.
Aniya, ang papel ng Kamara ay kahalintulad ng isang preliminary investigation upang matukoy kung may sapat na batayan para ituloy ang kaso.
Binigyang-diin din ni Chua na mahigpit na susundin ang due process sa antas ng komite.
Aniya, ang impeachment ay mekanismo ng mga ordinaryong Pilipino upang mapanagot ang mga pinakamakapangyarihang opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng pandarambong at pagkakanulo sa tiwala ng taumbayan na ugat ng paghihirap ng maraming mamamayan.| via Judea Bernardo, D8TV News
