Naghain ng counter-affidavit si Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga sa Department of Justice (DOJ) tungkol sa mga kasong sinampa sa kanya ng Philippine National Police (PNP).
Ito’y kaugnay sa reklamong inciting to sedition at inciting to rebellion na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group laban sa kanya.
Ang reklamo ay nag-ugat sa umano’y mga post ng kongresista sa social media, kabilang ang panawagan nito na ihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas.
Nanghikayat ding magsagawa ng kilos-protesta ang mambabatas sa Forbes Park, Makati noong October 12, 2025 nang walang kaukulang permit.
Depensa ni Barzaga, ito ay bahagi lamang ng kanyang freedom of speech.
Sa ngayon, nahaharap ang kongresista sa mga reklamong cyberlibel na magkahiwalay na isinampa nina House Deputy Speaker Ronnie Puno at negosyanteng si Enrique Razon Jr. | via Alegria Galimba
