₱112‑M hinihinalang shabu nasabat sa NAIA

Isang Malaysian national ang naaresto matapos makumpiska ng mga awtoridad ang mahigit ₱112 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Pebrero 28.

Sa inspeksiyon ng Bureau of Customs–NAIA, natuklasan sa checked‑in luggage ng suspek ang tatlong bag na naglalaman ng kahong may mga transparent na supot ng white crystal substance na pinaghihinalaang shabu, na tinatayang umabot sa 16.526 kilo ang bigat.

Dinala sa inquest proceedings ang suspek dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Narekober din mula sa suspek ang mga travel document, bank cards, iba’t ibang foreign currency, at isang cellphone. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *