Remulla: Hindi tayo sumuko sa ICC

Nilinaw ni Justice Secretary Crispin Remulla na hindi sumuko ang Pilipinas sa International Criminal Court (ICC) nang ipasa si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa awtoridad.
“Ipinasa natin ang isang indibidwal, hindi ang ating soberanya,” ani Remulla sa pagdinig ng Senado na pinamunuan ni Sen. Imee Marcos. Dagdag niya, ang pag-aresto kay Duterte ay alinsunod sa obligasyon ng Pilipinas sa Interpol, hindi sa ICC.
Binigyang-diin ni Remulla ang kahalagahan ng kooperasyon sa Interpol dahil inaasahan din ng bansa ang suporta nito, tulad ng pagdakip kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa Indonesia.
Mariin ding itinanggi ni Remulla na may pakikipag-usap ang gobyerno sa ICC tungkol kay Duterte at iginiit na walang alam sa anumang pagpasok ng ICC personnel sa bansa para magsagawa ng imbestigasyon. | via Lorencris Siarez | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *