Nagkaroon ng pagpupulong sina Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines (CSAFP) General Romeo S Brawner Jr. at Chief of Navy of the Royal Malaysian Navy Admiral Datuk Zulhelmy Bin Ithnain kahapon, June 25, na ginanap sa Bulwagang Balangiga, GHQ Building, Quezon City.


Ayon sa ulat, nagkaroon ng diskusyon ang dalawang lider patungkol sa pangrehiyong seguridad, operasyon, at ang interes sa pagpapatupad ng kapayapaan sa dalawang bansa.
Dagdag pa rito, napag-usapan din kung paano mapapanatili ang mas matibay na relasyon ng Pilipinas at Malaysia patungkol sa pagresolba ng iba’t ibang isyu sa karagatang nasasakupan ng dalawang bansa. | via Florence Alfonso | Photo via SSg Ambay PA and PO3 Gonzales PN / PAOAFP
#D8TVNews #D8TV