Reklamo vs. VP Sara, sufficient in substance

Sa botong 54–1–0, idineklara ng House Committee on Justice na “sufficient in substance” ang ikatlo at ikaapat na impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Aabot sa 54 na miyembro ng komite, o halos kabuuan ng mga dumalo sa pagdinig, ang bumoto pabor sa mosyon, habang isa ang tumutol at walang nag-abstain.

Napagpasyahan ng komite na sapat ang nilalaman ng mga reklamong inihain nina Fr. Joel Saballa at Atty. Nathaniel Cabrera, kaugnay ng mga alegasyon ng anomalous disbursement ng confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President, gayundin noong si Duterte ay kalihim pa ng Department of Education.

Bagaman naging mahaba ang deliberasyon dahil sa pagtatalo ukol sa saklaw ng mga umano’y paglabag bilang dating kalihim ng Education Department at bilang Bise Presidente, nanaig ang paniniwala ng mayorya na may sapat na basehan upang umusad ang mga reklamo.

Kasunod ng botohan, inaprubahan din ng komite ang pagpapadala ng notice kay Vice President Duterte para hingin ang kanyang panig kaugnay ng mga articles of impeachment.

Batay sa House rules, may sampung (10) calendar days ang Bise Presidente upang magsumite ng kanyang tugon. Padadalhan din ng kopya ang mga complainant, na may tatlong (3) araw naman upang magsumite ng kanilang sagot.

Sa sandaling makumpleto ang mga tugon ng magkabilang panig, magpapatuloy ang proseso sa susunod na yugto ng pagbobotohan. Kapag inaprubahan ng plenaryo, maaari na itong umusad sa impeachment trial na isasagawa at pangungunahan ng Senado. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *