Rating ni PBBM, bumaba; public confidence kay VP Sara, tumaas – OCTA

Bumaba ang tiwala ng publiko kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. habang tumaas naman ang kumpiyansa ng publiko sa pamumuno ni Vice President Sara Duterte, batay sa isang survey.

Ayon sa Fourth Quarter Tugon ng Masa survey ng OCTA Research, mas mababa ng siyam na puntos ang naitalang 48 percent trust rating ng Pangulo.

Bumaba rin ang public approval sa performance niya sa huling bahagi ng 2025, na mula 54 percent ay 51 percent.

Binigyang diin ng research group na nagmula ang performance rating ng Chief Executive sa ibat ibang rehiyon at socioeconomic groups.

Samantala, bahagya namang tumaas ang trust rating ni VP Sara mula 51 percent noong third quarter ng 2025 hanggang sa 53 percent sa huling kwarter.

Naitala rin ang bahagyang pagtaas sa performance rating ng Pangalawang Pangulo na umabot naman sa 54 percent. | via D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *