PWD sa Pasig City, ginamit nga ba sa pulitika? Nais masiguro ng DSWD

Iniimbestigahan ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung ginamit ang isang babaeng may kapansanan sa pag-iisip sa paninira laban sa isang lokal na kandidato sa Pasig City kaugnay ng #Eleksyon2025.

Sa isang video na ipinost sa Facebook page na “The Journal Pasig,” makikitang nagbibigay ng pahayag ang 77-anyos na babae laban sa isang kandidato sa lungsod.

Ngunit umalma ang pamangkin ng matanda at galit na galit sa mga nasa likod ng video dahil umano’y sinamantala ang kalagayan ng kanyang tiyahin para sa pansariling interes. | D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *