Posibleng magharap sina Russian President Vladimir Putin at Ukrainian President Volodymyr Zelensky matapos ang mabilisang negosasyon na pinangunahan ni US President Donald Trump.
Matapos ang pulong sa White House kasama ang mga lider ng Europa, tumawag si Trump kay Putin at sinabing sisimulan na ang paghahanda para sa peace summit.
Kung matutuloy, ito ang unang pagkikita ng dalawang lider mula nang lusubin ng Russia ang Ukraine. Handang makipag-usap si Zelensky, at bukas din daw si Putin.
Kasama sa usapan ang security guarantees para sa Ukraine mula Europa at US, kahit hindi pa rin sila tatanggapin sa NATO.
Wala pang petsa o lugar, pero malinaw na may sinag ng pag-asa para sa kapayapaan sa kabila ng matagal na digmaan.
#D8TVNews #D8TV