Pusher sa Iloilo, nahulihan ng ₱782K na shabu

Naaresto na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kanilang high-value target sa Iloilo.

Arestado ng PDEA Region 6, kasama ang intelligence assets at pulis Iloilo, ang isang tulak ng shabu sa isang operasyon sa Brgy. Inday, City Proper bandang hapon ng December 10.

Kinilala ang suspek na si “John,” 41.

Nasamsam mula sa kaniya ang humigit-kumulang 115 grams ng shabu na nagkakahalaga ng ₱782,000.

Nakuha rin ang mga improvised tooter, ₱15,000 buy-bust money, cellphone, mga lighter, pitaka, at isang plastic container.


Mahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag ng RA 9165, na may katapat na parusang kabilang ang life imprisonment, mabibigat na multa, at mahabang taonng pagkakakulong. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *