Pumanaw na si dating PCSO board member at kilalang whistleblower na si Sandra Cam noong Huwebes, April 10, ayon sa pahayag ng kanyang pamilya. Siya ay 64 years old. Ayon sa kanyang anak, si Sandra Abaño Martinez-Cam ay ginawaran ng “Dangal ng Bayan” at kinilala bilang “Natatanging Filipina na Sumusulong sa Pagtulong at Paglaban sa Korapsyon” dahil sa kanyang tapang at dedikasyon sa pagsisiwalat ng katiwalian.
Bago siya naging whistleblower, inamin ni Cam na isa siyang “jueteng bagwoman.” Noong 2005, nagsimula siyang magsiwalat ng mga anomalya sa gobyerno kaugnay ng jueteng at iba pang isyu sa lotto. Itinalaga siya bilang miyembro ng PCSO board sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Noong 2020, nasangkot siya sa kasong pagpatay kay dating Masbate Vice Mayor Charlie Yuson III, pero ito’y ibinasura noong 2023.
Matapang, kontrobersyal, at walang takot—ganyan ang iniwang alaala ni Sandra Cam. | via Lorencris Siarez | Photo via blogspot.com
#D8TVNews #D8TV
