Pulis sa Cebu, ni-relieve dahil sa “Bring Me” challenge

Sinibak sa pwesto ang isang pulis sa Talisay City, Cebu matapos mag-viral ang kanyang video na “Bring Me.”

Sa video, hinamon ng pulis ang mga residente roon na magdala sa kanya ng drug addict na may pabuyang P2,000 habang P5,000 naman para sa drug pusher.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), isa itong paglabag sa Police Operational Procedures.

Nagpaalala naman si PNP acting Chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. sa mga pulis na laging pairalin ang tamang operational procedures maging sa kanilang mga social media.

Sa ngayon, pinagpapaliwanag na ang pulis kaugnay sa insidente. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *