Hinangaan si Police M/Sgt. Ronald Imperial pagkatapos magpaanak ng bata sa emergency childbirth sa Sitio Alikabok, Barangay Bayan noong Wednesday, September 10.


Ayon kay Bataan Provincial Police chief Col. Marites Salvadora, nakatanggap daw ng 911 call ang Orani Municipal Police Station tungkol sa isang 30-year-old na babaeng may mental disability na namataang nagle-labor sa ilalim ng puno.


Dagdag ni Salvadora, bago pumasok ng pulisya si Imperial ay dati siyang registered nurse. Ligtas na naipanganak ni Imperial ang bata at nasiguro ang kaligtasan ng mag-ina.
Kinalaunan ay nadala na sa kalapit na health facility ang mag-ina. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via Orani PNP Orani/Facebook
#D8TVNews #D8TV
