Pulis nahaharap sa kasong inciting to sedition dahil sa anti-Marcos na video

Isang pulis ang nahaharap sa kasong “inciting to sedition” matapos maglabas ng matinding pahayag sa social media laban sa administrasyong Marcos kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kinilala ang pulis na si Patrolman Francis Steve Tallion Fontillas, na umano’y nagpost ng mga “malisyoso at kriminal” na pahayag, ayon kay National Police Commission Commissioner Rafael Vicente Calinisan. Sinabi niya na ang pulisya ay dapat manatiling apolitical at hindi dapat makisangkot sa partisan activity.
Ayon sa PNP Chief PGen Rommel Francisco D. Marbil, may “zero tolerance” ang PNP sa mga pulis na nagpapakita ng pagkiling sa politika. Idiniin niyang hindi dapat gamitin ang PNP bilang plataporma para sa personal o pulitikal na adyenda.
Sa isang Facebook live, sinabi ni Fontillas na hindi siya susunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Lumabas din sa rekord ng PNP na AWOL (Absent Without Official Leave) na siya mula Marso 6, 2025, bagamat iginiit niyang nag-file siya ng leave.
Pinaiimbestigahan na rin ang kaso, at inihahanda ang mga kasong administratibo laban kay Fontillas. | via Lorencris Siarez | Photo via blogspot.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *