Pulis at mga raliyista, nagpusaan sa isang Pride rally sa Maynila

Nagkagirian ang iba’t ibang progresibong grupo at miyembro ng LGBTQ community laban sa kapulisan sa Recto Avenue, Maynila ngayong Huwebes, Hunyo 26.

Nagsimula ito matapos harangin ng Manila Police District Civil Disturbance Management Unit ang protesta na patungong Mendiola, bilang bahagi ng unang Stonewall Philippines Pride March.

Kasabay ng protesta ang paggunita ng mga raliyista sa ika-31 anibersaryo ng Stonewall Manila.

Layunin ng kilos-protesta na ipaglaban ang mga isyung kinakaharap ng iba’t ibang sektor, lalo na ang pagsusulong ng SOGIESC Equality Bill, at ang paglaban sa kahirapan at korupsiyon. Kinondena rin ng mga raliyista ang pambobomba ng U.S. sa Iran | via Clarence Concepcion | Photo via Gabriela/Facebook

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *