Proposed carpooling program, target ipatupad

Naglabas na ng panukalang guidelines ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa planong carpooling program, na layong tumulong sa mga komyuter sa gitna ng tumataas na presyo ng langis.

Sa ilalim ng panukala, maaaring makiisa ang mga may-ari ng pribadong sasakyan, establisyimento, factories, opisina, at ahensya ng gobyerno.

Gayunman, nilinaw ng MMDA na hindi dapat maging kapalit ng public utility vehicles ang carpooling.

Kabilang sa mga proposed rules ang:

-Point-to-point lamang ang biyahe
-Bawal ang roadside pick-up at drop-off
-Limitado sa rush hour o sa oras ng 6:00–8:00 ng -umaga at 5:00–9:00 ng gabi
-Isang biyahe lang kada time slot

Para naman sa mga kumpanya, dapat ay para lamang ito sa kanilang mga empleyado o miyembro, at hindi pinapayagan ang per-trip na paniningil ng pamasahe.

Kailangan ding aprubahan ng LTFRB ang mga ruta at maglalabas ng special permits habang nananatiling mataas ang presyo ng langis.

Ayon sa MMDA, sisiguraduhin nilang magiging madali ang proseso ng aplikasyon at hindi ito gagamitin para sa pangha-harass sa mga motorista.

Gayunpaman, nagbabala ang mga transport group na dapat ay maayos ang implementasyon upang hindi maapektuhan ang kabuhayan ng mga UV Express drivers.

Target ipatupad ang programa pagkatapos ng Semana Santa. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *