Presyo ng sili nasa ₱800/kilo na ang presyo-DA

Presyo ng siling labuyo, umabot na sa ₱800 kada kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila ngayong Setyembre, ayon sa Department of Agriculture (DA). Mula lang sa ₱350/kg noong Hulyo, biglang tumaas dahil sa malakas na ulan at baha na puminsala sa taniman sa Ilocos, Central Luzon, at Bicol.

Ayon kay Agri Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., posibleng ibenta sa Kadiwa ng Pangulo ang mas murang sili kung may makukuhang dagdag na supply. Pero sa ngayon, limitado pa.

Solusyon ng DA dagdag na greenhouses, rain shelters, at R&D para mapalago ang sili kahit tag-ulan. Target din nilang maghanap ng alternative planting areas sa Mindanao at Visayas, na hindi gaanong apektado ng bagyo at ulan.

Sa ngayon, presyo ng sili sa NCR naglalaro sa ₱400–₱800 kada kilo, habang lumalakas pa ang demand ngayong ber months. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *