Posibleng muling magpatupad ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Ayon sa Department of Energy (DOE), tinatayang aabot sa ₱0.80 kada litro ang posibleng dagdag-presyo sa diesel habang aabot naman sa ₱0.45 kada litro ng kerosene.
Samantala, may maliit na rollback sa presyo ng gasolina na aabot sa ₱0.05 kada litro.
Paliwanag ng DOE, bahagyang nabawasan ang pagtaas ng presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado dahil sa tensyon sa pagitan ng Amerika at Europa kaugnay ng isyu sa Greenland.
Inaasahang ilalabas ang pinal na anunsyo sa mismong araw ng oil price adjustment. | via Judea Bernardo, D8TV News
