Magtataas muli nang presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, February 3.
Bunsod umano ang pagtaas sa pandaigdigang merkado, dulot ng geopolitical tension at ng mas mataas na demand sa langis ngayong panahon ng taglamig sa maraming bansa.
Ayon sa Shell, Cleanfuel, Seaoil, at Petrogazz, tataas ang presyo ng gasolina ng ₱0.80 kada litro, habang ₱1.60 kada litro naman ang dagdag sa diesel.
Samantala, ₱1.10 kada litro ang itataas sa presyo ng kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod na linggo ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina ng ₱0.40 kada litro, diesel ng ₱1.40 kada litro, at kerosene ng ₱0.80 kada litro. | via Allan Ortega
