Bumagsak ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado matapos ang pag-atake ng Estados Unidos sa Venezuela sa South America nitong Sabado, January 3.
Nagresulta ang well-coordinated, large-scale operation sa pagkakadakip kay Venezuelan President Nicolas Maduro na mabilis na inilipad patungong New York city.
Dahil ang Venezuela ang may pinakamalaking proven oil reserves sa mundo, inaasahan ng merkado ang pagdami ng supply kapag nagsimula na ang full-scale production dito sa tulong ng Washington.
Sinalakay ng US forces ang Caracas nitong Sabado at inaresto si Maduro at ang kanyang asawa upang harapin ang federal narcotrafficking charges sa New York.
Sinabi ni US President Donald Trump na pamamahalaan na ng US ang Venezuela at magpapadala ng mga kumpanyang Amerikano para ayusin ang sirang oil infrastructure ng bansa.
Sa kasalukuyan, humigit-kumulang 1 milyong bariles kada araw na lang ang produksyon ng Venezuela, malayo sa 3.5 milyong bariles noong 1999 dahil sa mahabang taon ng under-investment at sanctions. | via Allan Ortega
