Presyo ng gasolina posibleng bumaba sa susunod na linggo

Ayon sa abiso ni Jetti Petroleum President Leo Bellas ngayong Biyernes, September 26, na posibleng bumaba ang presyo ng gasolina nang P0.50 hanggang P0.70 kada litro sa susunod na linggo.

Ngunit inaasahan namang tataas ang presyo ng diesel mula P0.30 hanggang P0.50 kada litro.

Kung maipapatupad, ito na ang magiging ika anim na sunod ng pagtaas ng presyo para sa diesel, at unang pagbaba naman ng presyo para sa gasolina matapos ang anim na linggong sunod-sunod na pagtaas nito.

Dagdag pa ni Bellas, ang dahilan ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis ay dahil pa rin sa nagpapatuloy na geopolitical tensions. | via Kai Diamante, D8TV News | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *