Maghihigpit na naman ng sinturon ang mga motorista ngayong linggo! Inanunsyo ng Seaoil Philippines Corp. at Shell Pilipinas Corp. na magtataas sila ng presyo: P1.35 kada litro ng gasolina, P0.80 sa diesel, at P0.70 sa kerosene.
Kasama rin sa magpapatupad ng dagdag-presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz, pero hindi sila nagbebenta ng kerosene. Magiging epektibo ang taas-presyo sa Martes, Abril 29 ng alas-6 ng umaga, maliban sa Cleanfuel na magsisimula 4:01 ng hapon.
Wala pang anunsyo ang ibang kumpanya tungkol dito. Ayon sa Department of Energy (DOE), ang pagtaas ay dulot ng bagong parusa ng U.S. laban sa oil network ng Iran at biglaang pag-unti ng langis sa Amerika.
Noong nakaraang linggo, nagtaas na rin ang mga kumpanya: P1.35 sa gasolina, P1.30 sa diesel, at P1.10 sa kerosene.
Ngayong taon, umabot na sa P2.30 ang netong dagdag sa gasolina, P2.85 sa diesel, at P1.80 sa kerosene as of Abril 22, 2025. | via Lorencris Siarez | Photo via ar.inspiredpencil.com
#D8TVNews #D8TV