Presyo ng gasolina, diesel at kerosene bawas-presyo uli!

May bawas-presyo sa mga gasolinahan ngayong darating na Martes, Marso 11! Mas mura na ang diesel ng 90 sentimo kada litro, habang P1.70 naman ang ibinaba ng gasolina at P1.80 sa kerosene.
Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng rollback sa petrolyo matapos bumaba rin noong nakaraan. Nitong Martes, bumagsak ang gasolina ng 90 sentimo, diesel ng 80 sentimo, at kerosene ng P1.40 kada litro.
Mga motorista, samantalahin ang tipid sa gas! | Lorencris Siarez | Photo via socialsellscars.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *