Presyo ng gasolina at diesel, tataas ng P1.20 kada litro

Tataas na naman ang presyo ng gasolina at diesel sa ikaapat na sunod-sunod na linggo dahil sa pandaigdigang kaganapang patuloy na nagpapagalaw sa merkado, ayon sa mga kompanya ng langis nitong Lunes, November 17.


Inanunsyo ng Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz na magtataas sila ng presyo ng gasolina at diesel ng P1.20 kada litro.


Walang pagbabago sa presyo ng kerosene.


Noong nakaraang linggo, nagtaas ang mga kompanya ng langis ng P0.50 kada litro sa gasolina, P1.00 kada litro sa diesel, at P0.90 kada litro sa kerosene. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *