Magtaas ng presyo ng diesel at kerosene ang mga kumpanya ng langis sa Martes, Nobyembre 25, ngunit bababa naman ang presyo ng gasolina.
Ayon sa Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz nitong Lunes, tataas ang presyo ng diesel ng P0.60 kada litro at kerosene ng P1.30 kada litro.
Bababa naman ang presyo ng gasolina ng P0.20 kada litro.
Noong nakaraang linggo, tumaas ang presyo ng gasolina at diesel ng P1.20 kada litro. Walang pagbabago sa presyo ng kerosene. | via Allan Ortega
