Personal na humarap sa pagdinig ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos ngayong araw, December 4.
Ito ay para sagutin ang mga paratang na ibinabato laban sa kanya ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co sa umano’y budget insertions para sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DWPH).
Ayon kay Marcos, boluntaryo siyang humarap sa ICI upang makatulong sa isinasagawang imbestigasyon ng komisyon.
Humiling naman ng executive session ang kongesista na pinagbigyan naman ng ICI.
“There may be critical information that may be illicited from his testimony which may jeopardize or compromise further investigation of this commission,” saad ng abogado ni Rep. Marcos.
Sa ngayon, tanging si Laguna 4th District Rep. Benjie Agarao pa lamang ang humaharap sa pagdinig ng ICI na hindi humiling ng executive session. | via Alegria Galimba
