Pres. Marcos to new AFP officers: Maging tapat sa republika

Piliin niyo ang bayan, piliin niyo ang katapatan at kapayapaan.

Ito ang panghihikayat ni Pangulong Bongbong Marcos sa bagong batch ng commissioned officers ng Armed Forces of the Philippines o AFP.

Panauhing pandangal ang pangulo sa Major Services Officer Candidate Course Joint Graduation Ceremony sa Philippine Air Force Gymnasium sa Villamor Air Base sa Pasay ngayong araw.

Ipinakilala sa seremonya ang mga pinakabagong opisyal ng major services ng Sandatahang Lakas—ang Philippine Air Force Kahimdaliyan Class 2025, Philippine Navy Sagmaraya Class 2025, at Philippine Army Bumannawag Class 2025. Sa kabuuan, 638 ang nagtapos ng isang taong Officer Candidate Course.

Ang Officer Candidate Course ay isang taunang intensive learning program para sa kwalipikadong sibilyan at enlisted personnel na may baccalaureate degrees, na naghahanda sa kanila na maging Second Lieutenants at Ensigns sa AFP.

Pinaalala rin ng pangulo ang mga banta sa kasiguraduhan ng mga mamayan mula sa loob at labas ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *