Nag-emergency landing sa Haneda Airport sa Japan ang Philippine Airlines flight PR102 papuntang Los Angeles matapos may makitang usok sa loob ng eroplano!
Ayon sa PAL, galing NAIA ang biyahe Miyerkules ng gabi at napilitan silang ilihis ang ruta matapos magkaaberya sa isa sa aircon unit ng Boeing B777 (RP-C7782). Lulan nito ang 355 pasahero.
Ligtas namang nakalapag ang eroplano at nanatili muna ang mga pasahero sa loob habang inaayos ang ligtas na pagbaba kasama ang Haneda airport authorities.
Giit ng PAL, “Kasalukuyan kaming nakikipag-ugnayan sa mga otoridad sa Japan at sa DOTr ng Pilipinas para sa kaligtasan ng lahat.”
Magbibigay raw sila ng karagdagang detalye sa mga susunod na oras. | via Allan Ortega | Photo via PHILIPPINE Airlines
#D8TVNews #D8TV