Heat index, posibleng sumampa sa 41°C sa Cotabato City

Inaasahang aabot sa 41°C ang heat index sa Cotabato City ngayong Martes, Marso 31, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na pasok sa kategoryang “extreme caution.”

Ayon sa PAGASA, ang heat index na 33°C hanggang 41°C ay maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, at kapag matagal ang exposure sa init ay maaari itong humantong sa heat stroke.

Bukod sa Cotabato City, 70 pang lugar sa bansa ang makararanas ng parehong antas ng matinding init.

Kabilang dito ang mga lugar na may heat index na:

•        40°C – Dagupan City, Tuguegarao City, Coron, San Jose (Occidental Mindoro), Mambusao (Capiz), at La Granja (Negros Occidental)

•        39°C–38°C – Ilang bahagi ng Cagayan, Tarlac, Palawan, Iloilo, Samar, Zamboanga, Legazpi, General Santos, Butuan at iba pa

•        37°C–35°C – NAIA sa Pasay, Davao City, Tacloban, Cavite, Quezon at iba pang lugar

•        36°C – kabilang ang Science Garden sa Quezon City

Samantala, ilang lugar gaya ng Itbayat at Abucay ay nasa “caution” level pa lamang, habang ang Baguio City at mga bahagi ng Benguet ay inaasahang may hindi mapanganib na antas ng init.

Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng maraming tubig, umiwas sa matagal na pagbibilad sa araw, at magpahinga kapag nakakaramdam ng sintomas ng sobrang init. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *