Posibleng pagbasura ng kasong impeachment laban kay Sara, walang magiging epekto kay PBBM – Palasyo

Hindi maaapektuhan si Pangulong Bongbong Marcos kahit pa maibasura ang impeachment case laban kay Bise Presidente Sara Duterte, ayon sa Malacañang.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na walang kinalaman si PBBM sa kaso ni VP Sara — nasa Kongreso na raw ang bola.

“Wala po tayong nakikitang negatibong epekto sa Pangulo,” giit ni Castro, sabay sabing Senado at taumbayan ang huhusga sa proseso.

Tila malapit nang maibasura ang kaso matapos bumoto ang Senado, 18-5, para ibalik ang articles of impeachment sa Kamara. Ayon kay Senador Alan Peter Cayetano, hindi pa ito final dismissal — pero malinaw na may kabiguan sa usad ng kaso.

Si PBBM ay naninindigan sa pagsunod sa batas at Konstitusyon. Dagdag pa ni Castro, “Huwag paglaruan ang proseso. Para ito sa taumbayan.” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *