Posibleng benepisyo para sa mga riders sinusulong ng DICT

Isinusulong ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang reporma sa sektor ng private express at messengerial delivery service (PEMEDES) upang mabigyan ng suporta at proteksyon ang mga delivery rider.

Ayon kay DICT Secretary Henry Aguda, kabilang sa mga repormang inihahanda ay ang one-time fuel subsidy, PhilHealth benefits, at access sa Pag-IBIG loans—ngunit para lamang sa mga kumpanyang rehistrado sa DICT. Inihayag rin niyang maglulunsad ang DICT ng fully-automated na website sa susunod na buwan para sa PEMEDES registration. Ilalathala rin ang delivery time, loss rate, at iba pang sukatan ng serbisyo para makatulong sa consumers sa pagpili ng maaasahang delivery provider.

Bukod sa pagbibigay ng benepisyo sa riders, layunin din ng sistema na resolbahin ang mga reklamo tulad ng maling item, paulit-ulit na pagbabago sa delivery, at kakulangan ng cancellation option. Ang hakbang na ito ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang digitalization at serbisyo publiko | via Dann Miranda | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *