Posibilidad na maipasa ang anti-political dynasty, mahigit 50% —Hontiveros

Mahigit pa sa 50% – iyan ang posibilidad umano na tuluyan nang maipapasa ang batas hinggil laban sa mga political dynasty, ayon kay Senator Risa Hontiveros.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Electoral Reforms, tinanong ng isang resource person kay chair Senator Risa Hontiveros ang posibilidad na maipapasa ang panukala na mahigit isang dekada nang nakabinbin.

Ani Hontiveros, dumarami na ang mga mambabatas sa Senado at Kamara na todo-suporta sa anti-dynasty bill.

Binigyang-diin naman ni Batangas College of Law Dean Atty. Janice Gonzales na hindi layon ng panukalang maparusahan ang mga magkakamag-anak sa pamahalaan, kundi’y para matiyak na patas ang oportunidad na makapaglingkod sa bayan.

Nauna nang nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kamara na bigyang-priyoridad ang isang anti-political dynasty law.

Sa ngayon, hindi bababa sa anim na panukala ang tinatalakay ng komite upang ipatupad ang probisyon ng Konstitusyon laban sa mga political dynasty. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *