Naglabas na ng warrant of arrest ang isang korte sa Pasig City laban kay Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil sa mga kasong graft hinggil sa operasyon ng isang POGO hub sa kaniyang bayan.
Inisyu ng Pasig RTC Branch 265 ang arrest warrant noong November 28 para sa pitong bilang ng paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, na may P90,000 piyansa.
Nagmula ang mga kaso sa reklamo ng Presidential Anti-Organized Crime Commission at PNP noong October 2024 kaugnay sa pakikipagsabwatan umano ni Capil sa POGO hub na Lucky South 99.
Una nang na-raid ang Lucky South 99 July noong nakaraang taon, kung saan nadiskubre ang umanoโy human trafficking at iba pang iligal na aktibidad. Hinahanap din ng korte ang kinatawan nitong si Cassandra Ong.
Noong April 3, sinibak si Capil ng Office of the Ombudsman dahil sa gross negligence dahil sa patuloy na operasyon ng POGO sa kaniyang lugar.
Ayon sa arrest warrant, kinasuhan si Capil sa ilalim ng Section 3(e) at Section 3(j) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
