Pope Francis, patuloy na gumagaling sa pneumonia

Patuloy ang paggaling ni Pope Francis mula sa pneumonia habang naka-confine sa Gemelli Hospital sa Rome simula Pebrero 14. Ayon sa ulat medikal nitong Sabado, nananatili siyang stable at unti-unting bumubuti ang kalagayan.
Bagamat sumasailalim pa rin siya sa high-flow oxygen therapy, nababawasan na ang kanyang pangangailangan sa non-invasive mechanical ventilation tuwing gabi. Patuloy rin ang kanyang gamutan at therapy para sa paghinga at paggalaw.
Dahil sa kanyang edad na 88, inaasahang mabagal ang kanyang paggaling, kaya maaaring hindi na madalas ang medical updates. Binibigyang-diin ng Vatican na kailangang magpahinga ang Santo Papa upang lubusang lumakas. | via Allan Ortega | Photo via ANSA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *