Nanatiling nasa matatag na kondisyon si Pope Francis habang nagpapatuloy ang kanyang gamutan para sa pulmonya sa isang ospital sa Rome, ayon sa anunsyo ng Vatican noong Linggo.
Ang 88-taong-gulang na Santo Papa ay sumasailalim sa high-flow oxygen therapy ngunit hindi nangangailangan ng ventilator at wala siyang lagnat, ayon sa pinakahuling medikal na ulat.
“The Pope’s clinical condition remains stable. He does not require non-invasive mechanical ventilation, only high-flow oxygen therapy, and he is afebrile,”ayon sa pahayag.
Sa kabila ng pagiging kumplikado ng kanyang kondisyon, nananatiling maingat ang mga doktor sa kanilang pagsusuri.
Noong Linggo ng umaga, dumalo si Pope Francis sa Misa kasama ang kanyang mga tagapag-alaga bago ginugol ang araw sa pagpapahinga at pananalangin. – via Allan Ortega | Photo via ANSA
Pope Francis nasa maayos na kondisyon, hindi kinakailangan ng mechanical ventilation
