Inaprubahan na ng Kamara ang mahigit โฑ10.2 bilyong pondo ng Department of Migrant Workers para sa taong 2026. Layunin nito umanong mas palakasin ang proteksyon at serbisyo para sa mga overseas Filipino workers.
Ipinanukala ito ni Trabaho Party-list Rep. Johanne Bautista, na binigyang-diin ang mahalagang papel ng DMW sa pagtatanggol sa karapatan ng mga OFW. Nagpasalamat naman si DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa tiwala ng Kongreso at tiniyak na bawat piso ng pondo ay mapupunta sa makabuluhang programa, mula sa pagpapatatag ng Migrant Workers Offices abroad, pagtatayo ng OFW helpdesks sa bansa, at pagpapalawak ng training para sa mga seafarer.
Kasama rin dito ang mas pinaigting na kampanya kontra illegal recruitment at human trafficking, mas madaling access sa legal assistance, at mas matibay na reintegration programs para sa mga uuwing OFW at kanilang pamilya.
Sa pamamagitan ng suporta ng kongreso umano higit na titibay ang serbisyo ng DMW para sa mga modernong bayani ang mga OFW. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via DMW/FB Page
#D8TVNews #D8TV
