Pinaplano ng Philippine National Police (PNP) na ipataw ang habambuhay na pagbabawal sa pagmamay-ari ng baril sa sinumang lalabag sa election gun ban ng Commission on Elections (COMELEC). Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, layunin nitong mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang karahasan tuwing halalan.
Mula nang ipatupad ang nationwide gun ban noong Enero 12 bilang paghahanda sa May 2025 elections, nakapagtala na ang PNP ng 1,413 na pag-aresto sa mga lumabag sa nasabing kautusan.
Ang election gun ban ay hakbang ng COMELEC upang mabawasan ang karahasan at mapanatili ang kaayusan sa panahon ng halalan. Sa ilalim ng kautusang ito, mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga armas sa pampublikong lugar, maliban kung may kaukulang pahintulot mula sa COMELEC. | Benjie Dorango | Photo via wikipedia
#D8TVNews #D8TV