PNP, pinaigting ang koordinasyon sa mga awtoridad para mahanap si Cassandra Ong

Pinaigting ng Philippine National Police ang pakikipag-ugnayan nito sa international law enforcement para mahanap at maaresto si Cassandra Ong, pangunahing personalidad na konektado sa kontrobersyal na POGO hub na Lucky South 99.


Ayon kay acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., gagawin ng PNP ang lahat para maibalik si Ong sa bansa at harapin niya ang mga kasong isinampa laban sa kanya.


Sabi ng PAOCC, tumakas si Ong palabas ng bansa nitong unang bahagi ng taon at huling namonitor sa Japan matapos siyang pakawalan mula sa detensyon.

May aktibong warrant of arrest siya mula sa Pampanga RTC para sa qualified human trafficking kaugnay ng ilegal umanong operasyon ng Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.


Kasunod ng paglabas ng Red Notice laban kay Ong, makikipagtulungan ang PNP sa Interpol upang matuloy ang paghahanap at pag-aresto.


Giit ng PNP, committed sila na maghatid ng hustisya sa mga biktima ng illegal POGO hubs.

Ang hakbang na ito ay tugon din sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang operasyon laban sa illegal POGO at panagutin ang sangkot sa human trafficking. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *