Pinagsisikapan ng mga pulis sa Western Visayas na tugisin ang mga nasa likod ng sunod-sunod na bomb threats na naging sagabal sa mga klase at naging dahilan ng paulit-ulit na evacuation.
Ayon kay, Brig. Gen. Josefino Ligan, regional director of Police Regional Office 6, may mga nakuha nang ilang numero sa telepono kaugnay ng mga bomb threats.
Aniya, ayaw nilang maghayag ng anumang detalye sa ngayon ngnuit patuloy ang pagsasagawa nila ng mga hakbang upang matukoy kung kanino ang mga numbers na kanilang nakuha.
Samantala batay sa ulat ng PRO-6, 73 bomb treats ang naitala sa rehiyon ng Wester Visayas habang dalawang kaso na ang naisampa.
