PNP-HPG, nadiskubre ang dalawa pang luxury vehicles na umano’y konektado kay Zaldy Co

Kinumpirma ng Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) na natagpuan ang dalawa pang luxury vehicles na iniuugnay sa pugante at dating mambabatas na si Zaldy Co sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay PNP-HPG Chief BGen. Hansel Marantan, kasalukuyang bine-verify ng mga imbestigador kung pagmamay-ari ni Co ang lupain kung saan natagpuan ang mga nasabing sasakyan.

Patuloy ang imbestigasyon ng PNP-HPG upang matukoy ang pinagmulan at legal na pagmamay-ari ng mga luxury vehicles, gayundin ang posibleng kaugnayan ng mga ito sa mga kasong kinahaharap ng dating kongresista.

Hindi pa naglalabas ng karagdagang detalye ang pulisya habang nagpapatuloy ang validation at dokumentasyon sa lugar. | via Judea Bernardo, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *