Isa isang ininspeksyon ang nasa 170 na tauhan ng PNP Highway Patrol Group na idedeploy sa ASEAN na gaganapin sa April 9 hanggang May 31, 2026.
Ito ay para masiguro na walang mangyayareng aberya at maayos ang mga gagamitin ng HPG sa pagbabantay sa nasabing malaking aktibidad.
Aabot sa 170 riders, drivers at support teams ang ipadadala na i-aaugment sa presidentalial command sa Abril a-7.
Bukod sa mga pulis, ipapadala rin nila ang 108 na motorsiklo at 38 na toyota innova na gagamitin bilang mobile.
Ayon kay PNP-HPG Dir. Brig. Gen. Rommel Batangan, isinagawa ang inspeksyon para malaman ang kahandaan ng kanilang mga tauhan bago i-turn over sa Presidential Secueity Command sa abril a-syete bago dalhin sa cebu sa April 9.
Magtatagal ang mga idineploy na HPG personnel sa ASEAN hanggang May 10.| via Allen Ibañez, D8TV Correspondent
