PNP: Higit 1,500 baril nakumpiska mula nang ipatupad ang gun ban

Simula nang ipatupad ng COMELEC ang gun ban, nakumpiska na ng PNP ang 1,563 baril mula sa iba’t ibang operasyon.
Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, nakapagtala rin sila ng 24 suspected election-related incidents, kung saan:
🔹 11 ang kumpirmadong may kaugnayan sa halalan.
🔹 11 ang walang koneksyon sa halalan.
🔹 2 ang patuloy pang iniimbestigahan.
Sa mga nakumpiskang armas, 134 baril ang nakuha mula sa mga checkpoint, habang ang iba ay mula sa police operations, kabilang ang anti-illegal drug operations at buy-busts.
Magpapatuloy ang gun ban hanggang Hunyo 11, 2025, bilang bahagi ng seguridad sa eleksyon. | Benjie Dorango |

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *