PNP, handa siguruhin ang seguridad sa mga posibleng rally sa buong bansa

Naglatag ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) para sa mga inaasahang kilos-protesta sa mga susunod na araw. Ayon sa NCRPO, nag-deploy na sila ng 60 tauhan sa paligid ng EDSA Shrine para sa crowd control, habang nagpadala rin ng tig-50 pulis ang Eastern Police District at Quezon City Police District bilang dagdag suporta.

Giit ng PNP, maximum tolerance ang paiiralin at iginagalang nila ang karapatan ng publiko na magpahayag, ngunit dapat itong gawin nang mapayapa at responsable. Nakabantay sila laban sa posibleng gulo, vandalism, o abala sa trapiko.

Noong Huwebes, nag-rally ang Tindig Pilipinas, Akbayan, at Clergy for Good Governance sa EDSA Shrine para hilingin ang imbestigasyon sa umano’y anomalya sa flood control projects. Ayon sa MMDA, nasa 200 katao ang nagtipon ngunit nag-disperse bago magtanghali.

Ayon kay PNP acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., naka-alerto ang puwersa at handang pigilan ang anumang kaguluhan, sabay diin na hindi hahayaang mangyari sa bansa ang matitinding protesta tulad sa Indonesia at Nepal. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo Courtesy to MMDA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *