PNP, full alert sa Luneta protest, September 21

Naka-full alert ang pulisya sa paparating na kilos-protesta laban sa korupsyon ngayong September 21 sa Luneta Park sa Maynila, ayon ‘yan sa PNP.

Sinabi ni PNP public information officer chief Police Brigadier General Randulf Tuaño sa isang press briefing na magde-deklara ng full alerts status sa National Capital Region Police Office sa mga darating na araw.

Sa ilalim ng full alert, mas maraming pulis daw ang magagamit dahil hindi muna papayagan ang absences o leaves sa mga alagad ng pulisya.

Wala pa naman daw namo-monitor na banta patungkol sa September 21 protest ayon sa Manila Police Dictrict (MPD).

Nakatakdang magpakalat ng 957 tauhan ng pulis sa iba’t ibang lokasyon kagaya ng:

  • Malacañang Palace
  • Department of Public Works and Highways Central Office
  • United States Embassy
  • Luneta Park
  • Liwasang Bonifacio
  • Mendiola
  • España Boulevard.

| via Martina Torres, D8TV News

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *