PNP-EOD-K9 compound sa Camp Crame, nasunog

Sumiklab ang sunog sa Philippine National Police-Explosives and Ordnance Division/Canine Group compound sa loob ng Camp Crame sa Quezon City kaninang madaling araw, September 24.

Ayon sa Headquarters Support Service, nasunog ang nasabing compound kaninang 12:41 nang madaling araw. Agad namang inakyat ng Bureau of Fire Protection sa first alarm ang sunog bandang 1:00 AM.

Umabot sa 40 firetrucks ang agad na rumesponde sa sunog kayaโ€™t mabilis itong naapula, at opisyal itong idineklarang fire out bandang 1:57 AM.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), wala namang nasaktan o nasawi sa nasabing insidente. Samantala, iniimbestigahan pa rin ng BFP ang dahilan ng sunog. | via Kai Diamante, D8TV News | Photos via Jayar Antiojo and PNP

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *