Hindi na nagpa-awat ang Philippine National Police (PNP)! Pormal nang binuo ang dalawang espesyal na komite: ang Joint Anti-Kidnapping Action Committee (JAKAC) at Joint Anti-Fake News Action Committee (JAFNAC) para supalpalin ang mga sindikato ng kidnap-for-hire at fake news nang sabay-sabay!
Ayon kay PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil, ang JAKAC ang bahala sa pagsugpo sa mga grupong kidnap-for-hire, habang ang JAFNAC naman ang tututok sa paglaganap ng disinformation na bumubulabog sa publiko at sa bansa.
Bida sa JAKAC si Lt. Gen. Edgar Alan Okubo, na pinuri ni Marbil dahil sa mabilis na pagresolba sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay negosyanteng si Anson Que at driver niyang si Armanie Pabillo. Tatlo ang huli, dalawa pa ang hinahabol!
Hindi lang ‘yan — fake news din binabanatan! Sa dami ng kumakalat na pekeng balita tungkol sa mga diumano’y pagdukot sa mga kilalang negosyante, tila parang pelikula ang eksena online!
“Hindi ito basta committee-committee lang,” sabi ni Marbil. “Ito ay commitment sa Bagong Pilipinas – ang paninindigang manalo ang batas at katotohanan!” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV