Kahapon, ika-23 ng setyembre, pormal na lumagda ng Memorandum of Agreement ang Philippine National Police at ang Independent Commission for Infrastructure sa Department of Energy Center sa Bonifacio Global City.
Pinangunahan ni PNP Acting Chief PLTGEN Jose Melencio Nartatez Jr. ang delegasyon, kasama sina PLTGEN Edgar Alan Okubo, PMGEN Robert Alexander Morico, at PBGEN Benigno Guzman. Layon ng kasunduan na bantayan ang mga proyekto gaya ng flood control at iba pang kritikal na programa laban sa iregularidad at korapsyon.
Giit ng PNP, ang pakikipag-ugnayan na ito ay patunay ng kanilang suporta sa transparency at good governance.
Panawagan ng pulisya at ICI, ang imprastrukturang pambayan ay dapat magsilbi sa taumbayan. | via Ghazi Sarip, D8TV News | Photo via Pat ETCayago
#D8TVNews #D8TV
