Planong pagbubukas ni Marcos ng tulay sa Davao City, minadali —Mayor Baste

Careless o minadali–ganito isinalarawan ni Davao City Mayor Baste Duterte ang plano umanong pagbubukas ng Segment B ng Davao City Coastal Road o ang Bucana Bridge ngayong araw.

Pero ayon sa anunsyo ng Department of Public Works and Highways-Davao Region, nagsasagawa sila ng mga karagdagang hakbang sa tulay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maproteksyunan ang mga motorista na gagamit nito.

Ayon naman kay Mayor Sebastian Duterte premature ang nakatakdang pagbubukas ng tulay.

Kulang-kulang umano ang traffic signages, at walang streetlights o safety features ang istruktura.

Ayon sa alkalde, hindi pa pormal na nai-turnover ang proyekto sa kanilang lokal na pamahalaan dahil hindi pa ito natatapos.

Pero paglilinaw ng Palasyo, may nauna nang kasunduan na buksan ang two lanes nito.

Tiniyak naman ng DPWH na prayoridad ng pamahalaan ang kaligtasan ng mga mamamayan. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *